(Sa 241 outstanding LGUs ng DILG) 1ST NATIONAL ANTI-DRUG ABUSE PERFORMANCE AWARD

anti-drug

NASA 241 ang binigyan ng award ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa 1st National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Awards na nagbigay ng para­ngal sa  241 outstan­ding local government units (LGUs) na may exemplary efforts sa kanilang ADACs, at sa pagbibigay papuri para sa national go­vernment’s measures na problema ng bansa ang illegal drugs.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año magiging matagumpay ang giyera sa droga kung lahat ay mag-aambag at may koordinasyon.

“The war against drugs can only be won when everyone “chips in” their contribution and to have a good number of LGUs as recipients of the award is a clear manifestation that the country’s illegal drugs efforts are leading to the right direction,” ayon pa sa kalihim.

Ang 21 LGUs na may perfect functionality points score ay ang mga lungsod mula sa Pro­vince of Davao Oriental; Pasig City; Quezon City; City of San Juan; City of Valenzuela: City of Alaminos, Pangasinan; City of Tacurong, Sultan Kudarat; Balaoan, Agoo, at San Gabriel, lahat mula sa La Union; Ba­yambang, Pangasinan; Orani, Bagac, at Pilar, lahat mula sa Bataan; Carmona, Cavite; Torrijos, Marinduque; Nunungan, Lanao del Norte; Pantukan, Compostela Valley; Surallah, South Cotabato; Columbio at Espe­ranze, Sultan Kudarat.

Mayroong  220 iba pang LGUs na may functionality points na nasa 85-99 na 21 ay mula sa probinsiya,17 sa  ­highly-urbanized cities at independent component cities, 15 component cities, at 167 municipalities.

Ang 21 LGUs ay makatatanggap ng P250,000  bilang incentive, habang ang 241 awardees naman ay tatanggap pa ng plaque of recognition.

Ang National ADAC Performance Award na ibinigay sa  LGUs at na-achieve ang adjectival rating bilang Ideal (high functionality) base noong 2017 ADAC Performance Audit.

Sa DILG Memorandum Circular 2018-159, ang pag-aanunsiyo ay dahil sa implementation ng 2017 ADAC Performance Audit upang masiguro ang patuloy na  performance ng ADACs gamit ang audit criteria gaya ng organized local ADAC; implementation of ADAC Plans at ng Programa; fund allocation, suportahan ang ADACs component LGUs; at ang pagsasagawa ng quarterly meetings. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.