PINARANGALAN sina Singaporean swimmer Quah Zheng Wen at Vietnamese Nguyen Thi Anh Vien bilang best male at female athletes sa 30th Southeast Asian Games.
May pinakamaraming medalya na napanalunan sa edition na ito ng biennial meet, ang dalawang tankers ay sumisid ng tig- 6 golds at tig-2 silvers.
Samantala, iginawad kay Filipino surfer hero Roger Casogay ang Fair Play Award dahil sa kanyang kabayanihan nang iligtas niya ang kanyang Indonesian competitor na si Arip Nurhidayat sa isa sa heats sa men’s longboarding event sa San Juan, La Union.
Ang Filipinas ay opisyal ding idineklara bilang overall champion sa 2019 SEA Games makaraang magwagi ng 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals sa closing ceremony na idinaos kagabi sa Athletics Stadium sa New Clark City.
Ang huling pagkakataon na nangibabaw ang bansa sa medal tally ay noong 2005, nang maging host din ito sa regional sports conclave.
Comments are closed.