(Sa 40th death anniversary) BUHAY NI GEN. TOMAS KARINGAL GAWING INSPIRASYON NG QCPD

KAUGNAY ng mga kasong kinasasangkutan ng mga pulis ngayon, hinikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Quezon City Police (QCPD) na gawing inspirasyon ang ipinakitang serbisyo sa bayan at pamumuhay ni Gen. Tomas Karingal.

Personal na dinaluhan ni Belmonte, kasama si Congressman PM Vargas ng District 5 at si QCPD Director BGen. Redrico Maranan, command group, police station commanders at pamilya Karingal at mga kaibigan ang ika 40 taong anibersaryo ng pagkamatay ni Gen. Karingal na isinagawa sa Camp Karingal kahapon ng umaga.

Ayon kay Belmonte, hindi malilihis ng landas ang mga pulis kung isasaisip lang ng mga ito ang mandato na paglingkuran at proteksiyunan ang publiko, karapatan at bansa.

“Ang inyong serbisyo ay isa sa pinaka-kailangan ng bayan. Gamitin ninyo ang inyong kakayahan at talino upang mapaunlad ang ating komunidad at bansa. At tulad ni Gen. Karingal, ipanata ninyo ang inyong katapatan sa serbisyo at sa bayan”, ani Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na hindi matatawaran ang kabayanihan at mga natamong parangal ni Karingal kung saan ipinangalan pa sa kanya mismo ang nasabing kampo.

Maging gabay ng mga pulis at sa mga susunod na henerasyo ang legacy ni Gen. Karingal na nagpakita ng talang, dangal at dedikasyon sa kanyang tungkulin.

Nangako naman si Gen. Maranan na magiging tapat sa bansa at publiko ang buong puwersa ng QCPD at pipiliting hindi masangkot sa anumang kontrobersiya na makakaapekto sa imahen ng

Sa nasabing okasyon ay duzmalo din ang mga pulis ng QCPD at naging tauhan ni Gen. Karingal na sina President of retiries Ret. General Elmo San Diego, chief ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City, at General Manager of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Ret. General Procopio G. Lipana at si Ret. Police Colonel Nestor Abalos at iba pang nagretirong pulis Quezon City.
EVELYN GARCIA