(Sa 52nd Annual Worldfest Filmfest sa Texas) RAINBOW’S SUNSET CAST ‘DI NARINIG ANG TAWAG NG PANALO SA INGAY NG MGA TSINO

RAINBOW'S SUNSET

NAKATATAWANG nakakainis ang naging experience ng cast ng “Rainbow’s Sunset” showbiz eyena dumalo sa competition category ng 52nd Annual Worldfest-Houston International Film Festival, sa Hous­ton, Texas.

Dumalo roon ang producer ng “Rainbow’s Sunset” na si Ms. Harlene Bautista, Director Joel Lamangan, Tony Mabesa, Eric Ramos, Ferdie Lapuz.  Isang magandang event ito dahil for the first time, sinuportahan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagpunta nila sa Houston.  Kasama pa nila sina MMFF Overall Chairman  Danilo Lim and Executive Chairman General Manager Jojo Garcia.  Ano ang nangyari sa awards night?

“Ang ingay-ingay kasi sa venue, ang iingay kasi ng Chinese delegation, na sa kanila naka-focus ang gabing iyon,” kuwento ni Direk Joel.  “Kaya kami hindi namin alam na nanalo kami.  Bumalik kami sa mga rooms namin na malungkot dahil wala kaming natanggap na award.  Mabuti na lamang may nag-check sa list ng winners at sinabing nanalo raw ang ‘Rainbow’s Sunset.’  Naroon naman iyong mga trophies namin, at nag-abutan na lamang kami ng awards namin sa labas ng room namin dahil paalis na kami papuntang airport dahil babalik na kami ng Filipinas.”

Ang “Rainbow’s Sunset” ang nanalo ng Special Jury Prize, it also bagged the Gold Remi award for best story innovation, for scriptwriter Eric Ramos, and Best Actors sina Eddie Garcia at Tony Mabesa.”

Ayon kay Chairman Danilo Lim, “throwing support for local films’ international screening and joining international film festivals are ways to showcase the Filipino talent to the world.  At sana, this will not be the first and the last awards na matatanggap natin.”

Ang MMDA  ay sumuporta rin sa “Rainbow’s Sunset” sa Ci­nemAsia Film Festival in Amsterdam held last March.

Hindi pala nakasama si Eddie Garcia na mag-attend the awards nights sa Houston dahil hindi niya maiwanan ang sinu-shooting niyang movie sa Viva Films.  Biniro tuloy si Eddie kung ano pa ang role na gusto niyang gampanan sa mga susunod niyang mov-ies.

“Halos lahat naman ng roles nagampanan ko na, hindi ako tumatanggi sa ibinibigay nilang role sa akin dahil every role na gawin ko is a challenge for me.  Isa na lamang role siguro ang hindi ko pa nagagawa, that of a leading lady,” na sinundan ng tawa ni Ma-noy sa pagbibiro niya.

Inihahanda na ni Eric Ramos ang script nila para sa coming MMFF 2019, titled “Isa Pang Bahaghari” na gusto ni Direk Joel ay gampanan nina Superstar Nora Aunor, actors Christopher de Leon and Tirso Cruz III.

SUBMISSION NG MMFF ENTRIES INANUNSIYO NA

SA special presscon, na-announced na rin ang MMFF officials para sa schedule ng submission ng entries.  Ang deadline for submission ng scripts ay sa May 31, 2019 (Friday) not later than 5pm.  Wala na itong extension.  Ang mapipiling four (4) official scripts ay i-a-announced sa July 5, 2019, Friday.  Wala na rin itong extension.

Ang submission ng finished entries, not later than October 15, 2019 (Tuesday).

Ang parade of stars ay magaganap pa rin sa December 23, 2019 (Monday)

Awards night on December 27, 2019 (Friday)

Showing of official entries in all Metro Manila Theatres and participating provincial theatres on December 25, 2019 to January 7, 2020.

Comments are closed.