SISIMULAN sa anim na ospital sa NCR ang pagbabakunahan sa mga kabataang edad 12 hanggang 17.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, Chairperson ng national COVID-19 Vaccination Operations Center, kabilang sa ang mga nakumpirmang lalahok sa pagbabakuna ang National Childrens Hospital, Philippine Heart Center, at Philippine General Hospital.
Target ng Philippine Heart Center na unang mabakunahan ang mga edad 15 hanggang 17 anyos na may sakit sa puso.
Isusunod naman ang bakunahan sa mga kabataan sa vaccination sites ng mga lokal na pamahalaan.
Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi naman magiging malala ang side effects ng COVID-19 vaccines sa mga edad 12-17 taong gulang.
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na kabilang sa mga ‘side effects’ ay ang karaniwang ‘allergy’, sakit ng ulo, at sakit ng katawan.
May ilan naman aniyang nakaranas ng ‘myocarditis’ o pananakit ng masel ng puso ngunit hindi naman malala.
Sa ngayon, tanging Moderna at Pfizer ang nabibigyan ng ‘Emergency Use Authorization’ (EUA) para magamit sa mga menor de edad.
Comments are closed.