(Sa 60-araw na ultimatum sa clearing ops) METRO MAYORS TAGUMPAY

clearing ops

KONTENTO si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa naging performance ng Metro Manila mayors sa pagtugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga lansangan para mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Kahapon ang deadline ng 60 araw na ibinigay na taning ng DILG para linisin mula sa illegal structures at constructions ang mga pa­ngunahing lansangan.

“We are pleased with the support, cooperation, and compliance of Metro mayors to the presidential directive but we need to do more and we expect them to sustain their efforts in order to help clear the streets of Metro Manila of traffic,”  ani  Año.

Sinimulan na rin kahapon ng  DILG ang pag-iikot at pagsusuri sa mga lansangan sa Metro Manila  para matiyak ang tuloy-tuloy na pagsunod sa direktiba ng Pangulo na ibalik sa publiko ang mga lansangan.

“Pa-file-an natin ng kaso ‘yung mga kapitan, pagka naman mayor hindi nagpatupad walang ginawa sa clearing operations, I’ll ask Sec. [Edu-ardo] Año to recommend to the President for the suspension or removal from office ng mayor,” babala  naman ni DILG undersecretary Martin Diño.

Nauna nang nagbabala ang DILG na sususpendihin at kakasuhan nila ang mga barangay officials at city mayor na hindi nagtagumpay sa pagli-linis ng mga obstruction sa  kanilang mga nasasakupan.

Sa  Metro Manila ay halos 90 porsiyento ng mga lokal na pamahalaan ang nakatugon sa direktiba ng DILG kung saan tinatayang mahigit isang daan kilometro ng mga lansangan ang nalinis na sa obstruction.

“As of today, a total of 139,959 meters of roads and 52,831 meters of sidewalk in Metro Manila have been reportedly cleared of obstructions and illegal structures. ““Our operations further resulted to 1,444 illegal vendors, 49 terminals (tricycle, jeepney, pedicab, etc), 1,292 illegally parked vehicles, and 813 obstructions (booth, monoblocks, etc) displaced from our roads,” ani Sec Año.

Samantala, tiniyak na may  local official na masususpinde sa mga lalawigan dahil hindi nakasunod sa direktiba. VERLIN RUIZ

Comments are closed.