(Sa 8 pulis na sangkot sa pagnanakaw) ONE STRIKE POLICY PAIIRALIN NG PNP

PAGPAPALIWANAGIN ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang Chief of Police, Provincial Director maging ang regional director ng walong pulis na nasangkot sa pagnanakaw sa bahay ng mga Chinese sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa PNP Chief, kailangang masagot ng mga ito kung bakit may mga tauhan silang nasasangkot sa nakawan.

At kapag hindi nakuntento si PNP Chief sa paliwanag ng mga ito paiiralin nito ang one strike policy.

” So yun, ibabalik namin, sinabi namin nandiyan existing yan, the one strike policy. So we will make the commanders, the chiefs of police, PDs, supervisors, even up to the level of the regional directors, will make them answerable kung bakit nangyayari at hindi niyo nasu-supervise, hindi
niyo nakikita yung mga ganitong klaseng kasama namin,” anang PNP Chief.

Tiniyak naman ng PNP Chief na masisibak sa serbisyo ang walong pulis.

Aniya, paulit ulit ang kanyang paalala na huwag masasangkot sa anumang katiwalian pero dahil hindi sila sumunod ay mahaharap sila sa parusa.

Ayaw din daw ni Carlos na madamay ang mga matitinong pulis sa katiwaliang kinasangkutan ng mga ito.

Nabatid na ang walong pulis ang humalughog sa bahay ng pitong Chinese sa Angeles City at sinabing magsasagawa ng buy bust operation pero sa pag-iimbestiga natukoy ang ginawang pagnanakaw ng mga ito sa mga chinese kung saan nakuha ang cash na 300,000, US dollar bills at cheke. REA SARMIENTO