(Sa Abril 3-10)PROV’L BUSES PUWEDE NA SA EDSA

bus

PAPAYAGAN na ang provincial buses na dumaan sa EDSA mula Abril 3 hanggang 10 sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Holy Week, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ng MMDA na mula Abril 3 hanggang 5, ang provincial buses ay papayagang dumaan sa EDSA mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga. Mula Abril 6 hanggang 10, papayagan sila sa EDSA ng buong araw.

“Buses coming from North Luzon will terminate their trips in Cubao, Quezon City, while those coming from South Luzon will stop in Pasay City terminals,” ayon sa MMDA.

Ang Holy Week ay gugunitain simula Abril 2 (Palm Sunday) hanggang Abril 9 (Easter Sunday), bagama’t ang mismong long weekend ay magsisimula sa Abril 6 (Maundy Thursday).

Ang Lunes, Abril 10, ay idineklara ring holiday para sa pagdiriwang ng “Araw ng Kagitingan” (Day of Valor).

Ang hakbang ay para ma-accommodate ang pagdagsa ng mga biyahero sa holidays. Sa pagtaya ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), aabot sa 1.2 milyong pasahero ang uuwi ng probinsya sa Semana Santa.