(Sa Afghanistan) ISA PANG GRUPO NG OFWs NANAWAGAN NG REPATRIATION

UMAPELA kahapon sa gobyerno ang isa pang grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa northern Afghanistan para sa kanilang pag-uwi matapos makuha at kontrolado ng militanteng grupo ng Taliban ang nabanggit na bansa.

Sinabi ni Alfonso Dorado, isang OFW na nasa Mazar-i-Sharif, may contingency plan ang United Nations (UN) para sa kanilang repatriation ngunit wala pa itong eksaktong petsa

Ayon dito, nagmistulang ghost town ang Mazar-i-Sharif matapos masakop ito ng Taliban.

Nabatid sa isa pang OFW, na marami pa aniya ang puwedeng mangyari anumang oras, humihingi sila ng tulong sa pamahalaan, na kung may paraan na makuha sila mula sa Mazar.

Sinabi ng DFA nitong Lunes, 182 Pinoy ang nailikas na, 27 Pinoy pa ang nanatili sa Afghanistan at ang 10 pang Pinoy ay nais manatili sa naturang bansa dahil may mga trabaho sila roon.

Itinaas sa alert level 4 ng DFA ang Afghanistan para sa mga Pinoy na kinakailangang ilikas bunsod na mapanganib ang naturang bansa.LIZA SORIANO

8 thoughts on “(Sa Afghanistan) ISA PANG GRUPO NG OFWs NANAWAGAN NG REPATRIATION”

  1. 839997 420458For anybody who is considering about external complications, sometimes be tough amaze those to realize to produce just a single weed in this extremely flowing usually requires eleven liters concerning gasoline to. dc free mommy weblog giveaways family trip home gardening house power wash baby laundry detergent 157483

Comments are closed.