INANUNSIYO ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maliit na bilang ng mga pasahero lamang ang maaring maapektuhan sa gagawing pagsasara sa airspace ng bansa sa Mayo 17.
Ito’y matapos mapaghandaan ng mga local at International airline na nag-o-operate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang gagawing maintenance activities sa NAIA terminal 3.
Ayon sa CAAP, ang shutdown sa Philippine airspace ay tatagal ng dalawang oras, mula alas-2 ng umaga hanggang alas-4 ng umaga sa Mayo 17.
Batay sa report, ang mga apektado ay ang 14 na domestic at 20 international flights ng Air Asia, at apat na regional flight sa Clark International Airport (CIA).
-FROILAN MORALLOS