(Sa aktibidad ng Bulkang Taal) CAAP NAGLABAS NG PANIBAGONG NOTAM

MULING naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa limitasyon ng mga flight na malapit sa Taal Volcano na may vertical limit 10,000 feet mula sa ibabaw ng bulkan.

Ang pinakabagong NOTAM ay epektibo kahapon ng alas-8:39 ng umaga hanggang ngayong araw, Hunyo 11 sa ganap na alas-9 ng umaga.

Ayon sa CAAP ang Bulkang taal ay nasa Alert Level 1 (Low-level Unrest).

Pinapayuhan ang mga flight operator na iwasan ang paglipad malapit sa summit ng bulkan dahil sa posibilidad ng biglaang at mapanganib na steam-driven o phreatic eruptions na maaaring magdulot ng panganib sa sasakyang panghimpapawid.
CRISPIN RIZAL