(Sa Alert Level 1) 600K WORKERS BALIK-TRABAHO

Silvestre

MAHIGIT sa 600,000 manggaga­ wa ang nakabalik na sa trabaho hanggang noong Lunes, bago isailalim ang National Capital Re­ gion at 38 iba pang lugar sa bansa sa Alert Level 1, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon kay Bello, umaasa siyang madadagdagan pa ito sa paglipat sa pinakamaluwag na COVID-19 restriction nitong Martes, Marso 1.

“As of Monday, may nakabalik nang, hindi naman exact ito, more than 600,000 ang nakabalik na. We expect na marami pang babalik kasi full operation na,” ani Bello.

Sa ilalim ng Alert Level 1, ang lahat ng establisimiyento, tao, o aktibidad ay pinapayagang mag-operate, magtrabaho, o isagawa sa full on-site o venue/seating capacity basta sumusunod sa minimum public health standards.

Sinabi pa ni Bello na ang mga empleyado sa work-from-home arrangements na babalik sa trabaho, ngunit hindi bakunado kontra COVID-19, ay kailangan pa ring magprisinta ng negative RT-PCR test result tuwing dalawang linggo.

“‘Yun ang desisyon namin sa IATF. Kung hindi ka bakunado, puwede ka pumasok kaya nga lang for the protection naman ng mga co-workers mo and especially of the workplace, magpa-swab ka para natitiyak na pagpasok mo negative ka,”  aniya.

“”Otherwise, biro mo, kung may isang nakapasok, e ‘di ubos ang buong workforce mo.”