(Sa Alert Level 1) PLASTIC BARRIERS SA PUVs ‘DI NA KAILANGAN

NILINAW ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na kailangan ang mga plastic barrier o divider sa mga jeepney at bus sa ilalim ng Alert Level 1.

Ayon sa LTFRB, nakapaloob sa Memorandum Circular 2022-028 na mahigpit lang na ipinatutupad ang wastong paggamit ng face mask sa mga pasahero, driver, at konduktor at pagsunod sa IATF-EID at DOH health protocols.

Kabilang naman  ang pagsunod sa sanitary pads sa mga terminal alinsunod sa Republic Act No. 11311.

Simula noong Marso 1 ay ibinalik na sa 100% o full seating capacity ang mga pampublikong transportasyon. DWIZ 882