TUMITIYEMPO na si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. para magpaliwanag kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa anti-criminality program.
Ang pagnanais ni Azurin na makaharap si Duterte ay sa harap ng mensahe ng bise presidente na “no mercy to criminals” na taliwas sa pananaw ng PNP chief hinggil sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga kriminal.
Sa harap ng tumataas na bilang ng krimen, inilunsad ng PNP ang kanilang KASIMBAYANAN program na mismong ang PNP chief ang nanguna sa programa na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa religious sector at mga anti-crime volunteers.
Ayon sa ayon sa heneral, ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ang nakikita niyang pinakamabisang paraan para labanan ang krimen.
Kasamang dumalo ang mga opisyal ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) partikular si Chair Boy Evangelistavna bumatikos sa malambot na pagtrato ng PNP sa mga kriminal.
Samantala, idinepensa rin ni Azurin ang “no mercy quote” ni Duterte.
“Alam mo ‘yung no mercy to criminals maraming konteksto kasi yan eh, puwede naman na no mercy to criminals, hulihin natin, ipakulong natin, that’s part of the no mercy to criminals. Hindi naman ibig sabihin ay we go to the extent of yung mga insinuations ‘nung iba, so, sabi ko nga is those are subject to interpretations kaya ang sa atin very basic lang tayo, rule of law,” ayon kay Azurin. EUNICE CELARIO