CAVITE – NAG-DONATE ng educational supplies at iba pang gamit sa eskuwela ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ilalim ng Coast Guard Education, Training, and Doctrine Command (CGETDC), sa apat na pampublikong paaralan sa lalawigang ito kamakailan.
Kabilang sa paaralang nabiyayaan ng donasyon ay ang Cavite National High School, Pasong Kawayang II Elementary School, Bacoor Elementary School, at ang Kaysuyo High School na nakatanggap ng ilang kahon ng bond papers sa printing modules, notebooks, at pens.
Bukod sa educational supplies ay namahagi rin ang PCG personnel ng mga gallon ng alcohol at boxes na disposable face masks para sa medical supplies ng mga guro at school employees laban sa pandemya.
Gayunpaman, nagpasalamat ang mga school administrator sa generous support ng CGETDC para sa implementasyon ng ‘new normal standards’ bilang pagkilala sa Brigada Eskuwela 2021. MHAR BASCO
Comments are closed.