ISANG Valentines day offering para sa mga kaibigan, pamilya at magsing-irog na naghahanap ng walang gaanong gastusin sa pagdiriwang ng love month ang bubuksang muli sa publiko, partikular sa mga Manileño.
Nakatakdang pangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang grand opening ng “MayniLove” sa Pebrero 6 ganap na ala-5:30 ng hapon sa Mehan Garden, Ermita, Manila.
Ang proyekto ay handog ng lungsod sa pamamagitan ng Bureau of Permits sa pamumuno ni Levi Facundo pati na ang local economic development and investment promotions office.
Gayunpaman, ang venue ay bukas mula Pebrero 3 hanggang 17 na magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi.
Sinabi ni Facundo na ang admission ay libre at ang lahat ng mga bibisita ay maaaring mag-enjoy ng fine dining experience sa murang halaga. Mayroon din daily entertainment; ‘Wish 107.5 bus’ sa Feb 3, 6 at 10 na may live performances; food at gift items; flowers; chocolates; stuff toys; photo booths at daily giveaways.
“We also have “Puppy Love” for dog lovers and play pen for their fur babies plus more surprises from our partners,” ani Facundo.
Nabatid pa kay Facundo na ang dog owners ay maaaring magdala ng kanilang mga alaga pero kailangang naka-diaper ang mga ito. Maari din naman nilang iwan ang kanilang mga alaga sa play pen ng libre habang sila ay nag-iikot sa loob ng venue. Maaari ding tumingin at bumili ng tuta sa Maynilove.
Mayroon din naghihintay na mga sorpresang regalo sa mga sweet couples na mapipili kapag sila ay nakunan ng litrato.
Mayroon din mga booth na nagtitinda ng mga street food sa loob ng venue, kasama ang mga live performers at Instagrammable spots. VERLIN RUIZ