UMAABOT pa sa 14,786 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa hanggang Oktubre 2, 2021, Sabado.
Base sa case bulletin #567 na inilabas ng DOH, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon ang total COVID-19 cases sa Pilipinas sa 2,580,173.
Sa naturang bilang, 5.6% o 144,061 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa sakit.
Sa aktibong kaso, 80.3% ang mild cases, 13.4% ang asymptomatic, 3.56% ang moderate, 1.9% ang severe at 0.8% ang kritikal.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 894 pasyente na gumaling na dahil sa virus, sanhi upang umakyat na sa 2,397,456 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 92.9% ng total cases.
Samantala, may 164 pasyente pa ang iniulat na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa COVID-19 kaya’t sa kabuuan, umaabot na sa 38,656 na ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.50% ng total cases.
Ayon sa DOH, mayroon ding 100 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kabilang dito ang 73 recoveries at isang patay.
Mayroon din 91 kaso ang unang tinukoy bilang recoveries, ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.
“All labs were operational on September 30, 2021 while 2 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 2 non-reporting labs contribute, on average, 0.12% of samples tested and 0.05% of positive individuals,” anang DOH.
Ana Rosario Hernandez
Comments are closed.