PAPAYAGAN nang makapasok sa Hong Kong ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nabakunahan sa Pilipinas na epektibo sa susunod na linggo.
Ito ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos sumang-ayon ang pamahalaan ng Hong Kong na payagan ang mga OFW na nabakunahan na sa Pilipinas na makapasok at makapagtrabaho simula Agosto 30, sa kondisyon na ipapakita nila ang kanilang COVID vaccine certificate na inisyu ng Bureau of Quarantine (BOQ).
Ani Bello, humigit kumulang 3,000 OFWs na naghihintay na ma-deploy sa HK ang inaasahang makikinabang mula sa desisyon ng gobyerno ng nasabing bansa.
Samantala, sasailalim pa rin ang mga OFW sa mandatory quarantine sa mga tutukuying hotel at sasagutin ng employer ang gastusin.
Nasa proseso na ng pakikipag-ugnayan ang pamahalaan ng HK sa mga katuwang na hotel kung saan sasailalim sa quarantine ang mga OFW.
Matatandaan, hindi pinapayagang makapasok sa Hong Kong ang mga OFW sa dahilang iba-iba ang vaccination certificate na inisyu ng kani-kanilang lokal na pamahalaan.
Sa pakikipagtulungan ng DOLE, ang BOQ at ang konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong ay naghanda na ng draft vaccination certificate kung saan nakasaad ang detalye ng pasaporte ng OFW ayon na rin sa hiling ng pamahalaan ng HK.
Habang hindi pa nakasama ang detalyeng ito sa kasalukuyang ipinapatupad na ‘yellow card’, pansamantalang tatanggapin ng HK immigration ang vaccination certificate na inisyu ng BOQ para sa mga padating na OFW sa naturang bansa. PAUL ROLDAN
663396 459897I came across this great from you out of sheer luck and never believe lucky enough to say also credit you for any job properly done. 552540
912698 871310Just what I was seeking for, appreciate it for posting . 993120
198638 238920You need to participate in a contest for among the most effective blogs on the web. I will suggest this internet internet site! 818013