(Sa bandang Labor Day protest) JTF COVID SHIELD NAGBABALA SA MILITANT LABOR GROUP

NANAWAGAN kahapon ang Joint Task Force COVID Shield sa mga militanteng labor organization na huwag nang magsagawa ng kanilang Labot Day protest kaugnay sa paggunita ngayon ng Araw ng Paggawa sa buong bansa sa gitna ng nararanasang coronavirus contagion.

Sa halip, hinikayat ni  Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng  JTF COVID Shield, ang  militant labor groups na tutukan na lamang ang pagbuo ng kanilang mga  health protection-related strategic plans para matulungan ang sektor ng paggawa.

“We fully understand that it is the labor sector which was severely affected by the government’s strict measures against coronavirus infection. Everyday, we see news reports and social media posts about how the quarantine affected the life of the ordinary workers and their family because their workplaces were forced to either limit or shut down the business operations,” ani P/Lt.Gen. Eleazar.

“But this is not the time to take the matters to the streets, in fact, it could only worsen the situation in terms of the health of our workers. So we appeal to the labor groups to focus their effort in helping the workers what to do and what to expect once the opportunity to work would be available again,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng heneral na dapat na magtulong tulong  na lamang ang lahat upang ihanda ang mga sarili sa pag-iral ng ‘new normal’ situation sa bana oras na alisin na ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang nasabing paalala ay bunsod ng nakasanayan nang paglulunsad ng kilos protesta ng ibat ibang labor and peasant groups kung saan dumadagsa ang libo-libong manggagawa sa mga lansangan upang ihayag ang kanilang mga karaingan bilang pagpapatampok sa  Labor Day.

Ayon kay.Gen. Eleazar, malalantad lamang ang mga mangagawa at kani-kanilang mga pamilya sa panganib na mahawaan sila ng nakamamatay na coronavirus sa panahong naglulunsad ng kilos protesta. VERLIN RUIZ

Comments are closed.