(Sa banta ng COVID-19) PUBLIKO PINAKALMA NI DIGONG

duterte

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na manatiling kalmado at mahi- nahon sa gitna ng nananatiling banta ng COVID-19.

“I call on our people to remain calm, vigilant, responsible and I also ask your trust and cooperation, support as we face the challenge,” wika ni Pa­ngulong Duterte sa taped video message na inilabas ng Radio Television Malacañang.

Hinikayat din ng Pa­ngulo ang publiko na ma­ging mapagmatyag habang hiningi rin nito ang pakikipagtulungan sa pamahalaan.

Tiniyak ng Pangulo na patuloy ang ginagawang pagtutulungan ng gob­yerno, WHO gayundin ng mga nasa pribadong sektor na sama-samang nag­hahanda sa ano pa mang maaaring mangyari.

Kasabay nito ay nanindigan ang Chief Executive na hindi magpapabaya ang pamahalaan  at nakahanda nitong iuwi ang ating mga kababa­yang nananatili sa ilang mga lugar sa China na kasalukuyan pa ring naka-lock down.

Apela pa ng Pangulo, huwag makinig sa haka-haka na ang layunin ay maghasik lamang ng lalo pang takot at sa halip, makinig lamang sa mga impormasyong inilalabas ng gobyerno at WHO. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.