(Sa banta ng seguridad) PINAS IDEDEPENSA NG AFP

TINIYAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na idedepensa ng hukbo ang Pilipinas sa anumang banta pang seguridad o territorial threat.

Ito ang naging tugon ng sandatahang lakas sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.sa AFP na tuloy tuloy na idepensa ang bansa kasunod ng pahayag na hinding hindi magiging pasimuno ng giyera ang Pilipinas subalit hindi yuyukod sa anumang puwersang banyaga sa gitna ng mga pagsubok.

“We are not in the business to instigate wars—our great ambition is to provide a peaceful and prosperous life for every Filipino. This is the drum beat, this is the principle that we live by and that we march by,” ani Pangulong Marcos nang personal niyang dinalaw ang mga sundalong nakatalaga sa AFP Western Command (WESCOM).

Nagtungo ang Pangulong Marcos sa Palawan kasama sina Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro , Special Assistant to the President Antonino “Anton” Lagdameo, AFP chief of Staff General Romeo Brawner, Philippine Air Force commander, Lt.Gen Stephen Parreño , Philippine Coast Guard Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan at iba pang govt officials.

Sa “Talk to the Troops” mahigpit ang tagubilin ng commander in chief;
“We refuse to play by the rules that force us to choose sides in a great power competition. No government that truly exists in the service of the people will invite danger or harm to lives and livelihood.”

Magugunitang noong nakalipas na Lunes ay napasabak ang mga tauhan ng Philippine Navy na nagsasagawa ng rotation and resupply mission para sa Naval station ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal ang nakaadsad na BRP Sierra Madre nang kuyugin ng China Coast Guard, akyatin ang water craft na gamit ng AFP was akin ito ransakin kunin ang mga baril bago sinira at hinatak .

Ayon sa pamahalaan hindi naman ito maituturing na armadong pag atake kaya hindi kailangan na igiit ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at United States kahit ilang sundalo ang nasaktan at may is apang naputulan ng daliri dahil sa barbarong pag atake ng CCG na aramdo ng patalim, bolo, at sibat.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin maika kategorya, “misunderstanding or an accident” lamang ang insidente at hindi maituturing na armed attack ang pagkuyog ng mga tauhan ng China Coast Guard (CCG) sa Philippine Navy .

Una nang iginiit ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) nitong nakalipas na Sabado na ay hindi maikokonsidera bilang armed attack.

Ayon kay PCG Commodore Jay Tarriela, pansamantalang nagsisilbing spokesperson ng NTF-WPS na naniniwala siyang hindi layunin ng China na pataasin pa ang tension sa pinag-aagawang teritoryo at nais lamang na pigilan ang mga tropang Pinoy na makapasok sa lugar kung nasaan ang BRP Sierra Madre.

“Ang intensyon ng Philippine government is to do the resupply operation last Monday; ang objective ng China ay harangin ang resupply operation. That’s how simple we should look at the last incident,” paliwanag ni Commo. Tarriela sa isang pulong balitaan. VERLIN RUIZ