(Sa bantang pag-aresto sa “trespassers” sa South China Sea) CHINA HINAHAMON ANG PILIPINAS-DND

INIHAYAG kahapon ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na mistulang panduduro sa Pilipinas ang inilabas na bagong polisiya ng China para sa kanilang Chinese Coast Guard na pag aresto sa mga “trespassers” sa South China Sea.

“I believe what a provocation is, is the roguish and irresponsible threat to detain ‘trespassers’ in what is claimed as internal waters but is actually part of the high seas and part of the West Philippine Sea,” ani Teodoro sa kanyang mensahe sa ginanap na ika-126 Philippine Navy’s anniversary.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ng kalihim na nilalabag ng China ang United Nations Convention on the Law of the Sea or UNCLOS at ang United Nations Charter.

“What we do in our exclusive economic zone, to how we defend our EEZ can, in no way, be termed by any sane person as a provocation,” paliwanag pa ng kalihim.

Samantala, kinumpirma ng Philippine Navy na nagsasagawa ng kanilang intrusive patrol ang pinakamalaking coast Guard ship ng Chinese Coast Guard sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas 50 nautical miles mula sa Panatag shoal or Bajo de Masinloc.

Nitong Biyernes, unang ibinahagi ni dating United States Air Force official at maritime security expert Ray Powel na nagsagawa ng “intrusive patrol” sa Panatag Shoal or Scarborough Shoal,ang pinakamalaking coast guard ship—ang 165-meter China Coast Guard vessel na may bow number 5901.

Ang tila naghahamon o nandudurong polisiya ng China sa kanilang coast guard patrol ay sisimulang ipatupad sa buwan ng Hunyo kung saan ay pinapayagan ang China Coast Guard na hulihin at ikulong ang mga hinihinalang “trespassers” sa loob ng 60 araw ng walang paglilitis, base sa lumabas na ulat sa mula sa China controlled media.

Sa pag-aanalisa sinabi ni Powell, “China conducts intrusive patrols deep within the EEZ of neighboring countries… to establish a continuous presence and gradually normalize Chinese jurisdiction over areas granted to its neighbors under international law.” VERLIN RUIZ