(Sa bantang transport strike) LIBRENG SAKAY TINIYAK NG LTFRB

TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board nitong Linggo ang pagbibigay ng libreng sakay dahil sa transport strike.

Ayon kay Celine Pialago, tagapag salita ng LTFRB na planong mag-deploy ng humigit-kumulang 250 sasakyan sa buong NCR na titiyak sa kaginhawahan ng hanggang 10,000 pasahero bawat biyahe.

Sa kabila ng mga hamon, nananatiling bukas ang LTFRB para sa diyalogo kasama ang partisipasyon ng PISTON kaugnay sa PUV Modernization Program, habang 60% ng transport groups ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa inisyatiba.

Nangako pa ito ng pagbibigay ng mahusay at modernong pampublikong transportasyon.

nito, tiniyak ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGeneral Redrico Maranan na makapapasok sa paaralan at trabaho ang mga commuter sa kabila ng tigil pasada ng transport group na PISTON ngayon Lunes hanggang sa Miyerkules.

paniniyak ay ginawa ni Maranan kasabay ng kanilang ikinasang libreng sakay sa lungsod.

Ayon kay Maranan, naghanda sila ng aabot sa 25 sasakyan upang maisakay ang mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada.

Ang mga libreng sakay ay sa Quirino Highway LTO hanggang Quirino Hill Top; Quezon Avenue hanggang Munoz; Quirino Highway -Tandang Sora hanggang Quirino Highway-Mindanao Avenue.

Maglalagay din ng libreng sakay sa Tandang Sora hanggang Mindanao Avenue; Novaliches Bayan hanggang Mindanao Avenue cor. Quirino Highway; Sta. Lucia/Community Regalado; P. Tuazon Boulevard hanggang 20th Avenue; Edsa Kamias hanggang Projects 2 at 3; Ermin Garcia/EDSA; Quezon Ave/Roces; Quezon Ave/Sct Borromeo; EDSA/Quezon Avenue; Matalino/Matatag; Gates 1 at 2, QC Hall; at Commonwealth corner Tandang Sora.

Bilang karagdagan, magdedeploy din ang QCPD ng mga personnel para magsagawa ng foot, mobile, motorcycle at checkpoint patrols upang mahadlangan ang anumang illegal activities sa buong event.
PAULA ANTOLIN/ EVELYN GARCIA