(Sa Batangas) 15,212 BABOY NAMATAY DAHIL SA ASF

NAKAPAGTALA ang Batangas provincial government ng 15,212 hog deaths dahil sa African swine fever (ASF) sa bayan ng Lobo.

Sa ulat ng GMA News online, sa 26 barangays sa naturang bayan, 21 ang may mga kaso ng ASF. Karamihan sa mga apektado ay backyard farms.

“Around 15,212 na po ‘yung mortalities. Ito po yung may recorded kami na namatay na po, na-depopulate, nabaon.

Hindi pa po kasama dito yung mga hindi na po na report sa amin na nag kanya-kanya na po pagbabaon yung mga farmers natin,” sabi ni Angelique Romero, Public Information Officer ng Lobo town.

Samantala, patuloy na kumikilos ang Department of Agriculture (DA) laban sa ASF. Bukod sa pagbabakuna. ang repopulation ng mga baboy ay nagpatuloy sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kung kinakailangan ay maaari rin umanong umangkat ng baboy.

Bumubuo rin ang DA ng bagong polisiya para sa pagbiyahe at pagbebenta ng ASF-free hogs mula sa red zones sa ibang mga lugar.

“Hinihintay lang natin ‘yung pag-issue nitong nasabing guidelines para masigurado natin na ‘yung mga ASF-free na baboy ay makarating sa mga pamilihan, sa slaughterhouse at hindi hintayin na maapektuhan ng ASF sa mga red zone,” wika ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa.