(Sa bawas-taripa sa agri import)P5-MILYON MAWAWALA P5-MILYON MAWAWALA SA GOBYERNO

AABOT sa P5 milyon ang po sibleng mawala sa gobyerno dahil sa ipinatupad na bawas- ta ripa sa pag-angkat ng mga produktong pang-agrikultura.

Ayon sa Federation of Free Farmers (FFF), malaki ang epekto sa bansa ng Executive Order 171 na nagtatapyas sa import duties ng karne, bigas, mais at uling sa gitna ng digmaan sa pagitan ng Russia at ng Ukraine.

Dahil dito, naniniwala ang grupo na sapat nang rason ang pagtataya kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para ibasura ang mungkahi ng mga economic manager nito na panatilihin ang mababang taripa sa inaangkat na bigas hanggang sa pagtatapos ng 2023.

Matatandaang sa pag-aangkat ng bigas, mahigpit na kakumpitensiya ng Pakistan ang Vietnam, na pinakamalaking exporter ng bigas sa Pilipinas.

DWIZ 882