SA BAWAT PAG-SUBOK, MAY PAG-ASA

“To cherish a desire with anticipation: to want something to happen or be true. hopes for a promotion. hoping for the best. I hope so … “

Kapag sinabing pag-asa, hindi iyan plain optimism sa isang bagay na hindi mo sigurado kung ano ang mang­yayari. Sa halip, isa itong motivation upang kumilos ka upang marating mo ang dapat mong marating, kahit natatakot kang baka hindi maging positibo ang resulta.

Maraming scientific theories sa pag-asa. Sabi nila, hope is an optimistic state of mind that is based on an expectation of positive outcomes with respect to events and circumstances in one’s life or the world at large. Isa itong pandiwa — kung saan nag-i-expect ka na may tiwalang mangyayari ang nais mo, kaya naman “umaasa ka sa iyong nais na may anticipation”.

Umaasa ka dahil gusto mo itong mangyari, tulad ng isang mahirap na estudyanteng hindi kayang pag-aralin ng magulang, o pagkakaroon ng feeling na may mangyayaring mabuti. Baka sakaling magawa mo ito hanggang sa final round ng laban at ikaw ang maging champion — tulad ni Carlos Yulo.

Kapag may pag-asa, nani­niwala kang mas magi­ging maganda ang iyong future kaysa kasalukuyan mong buhay, at alam mong mayroon kang abilidad upang mangyari ito. Syempre, kasama rito ang optimism at can-do attitude. Ang tawag diyan ay “Hope Theory,” isang positive psychology concept ayon kay American psychologist Charles Snyder.

Kapag umaasa ang isang tao na mangyayari ang gusto niya, malamang na mangyari ito. May kasabihan nga tayong “Be careful of what you hope for, you might get it.“

Sabi nga ng tatay ko, kahit ano pa ang mangyari sa buhay mo, basta buhay ka, may pag-asa. Patay lamang ang dapat mawalan ng pag-asa. Lahat daw ng tao ay dumaraan sa pagsubok, at hindi ibibigay sa iyo ng Diyos ang isang pagsubok na hindi mo makakaya.

Minsan, nakakatulong ang pagkakaroon ng pag-asa kapag bagsak na bagsak tayo sa buhay. Minsan, pag-asa na lang ang meron tayo, ngunit nagpipilit pa rin tayong mabuhay. Ngayon, ang paniniwala ay pagtitiwala rin sa pag-asa, na baka naman — gaganda rin ang buhay.

So what kung dumaranas tayo ng paghihirap? Basta may buhay, may pag-asa, at kapag may pag-asa, liligaya ka. Tayo kasing mga tao, tayo lamang ang marunong umasa kaya nakakalusot tayo sa difficult circumstances. Iyan ang isa sa kaibahan natin sa mga hayop. Pag-asa. Ito ang naiwan nang mabuksan ni pandora ang kahon ng mga paghihirap. At lagi siyang naririyan. Hindi umaalis ang pag-asa lalo na sa panahong kailangan natin siya.

Nenet L. Villafania