(Sa bisperas ng V-day) PRESYO NG BULAKLAK TRIPLE NA

ISANG araw bago ang Valentine’s Day ay tumaas ng triple ang presyo ng mga bulaklak sa iba’t ibang tindahan sa Dangwa sa Maynila.

Ang presyo ng local roses na nagmula sa Baguio ay tumaas sa P250 hanggang P300 kada piraso.

Inaasahang magmamahal pa ito ngayong araw, Valentine’s Day.

Ayon sa mga vendor, ang presyo ng  round bouquet ng local roses ay posibleng tumaas sa P1,500 hanggang P1,800.

Bukod sa roses ay mabenta rin ang sunflowers sa Dangwa.

Samantala, sa Farmers Garden sa Quezon City ay mabibili ang floral bouquets sa halagang P400 hanggang P2,500.

Inaasahang magmamahal pa ito ngayong araw.