NASA 246,638 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) habang nasa mahigit 64,000 ang bilang ng nasawi sa buong mundo.
Pinakamarami sa mga nasawi ay naitala sa Italy na nasa 15,362, pumapangalawa ang Spain na may 11,947 at ang Amerika na may 8,452.
Ang France naman na may 7,560 death toll ay nahigitan na rin ang bilang ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa China na ngayon ay nasa 89,953 na.
Sa mga kaso pa rin ng COVID-19 ay pinakamarami ay naitala sa Amerika na may 311,357.Pangalawa ang Spain na may 126,168 at Italy na may 124,632.
Sa Filipinas, sumampa na sa 3,094 ang tinamaan ng sakit, 144 ang nasawi at 57 ang naka-recover, ayon sa datus, araw ng Linggo.
Samantala, isa pang Pinoy sa Hong Kong ang naka-recover mula sa COVID-19.
Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, nakalabas na ng ospital ang pasyente. Sa ngayon, 16 na Pilipino na lang sa nasabing bansa ang nagpapagamot sa iba’t ibang ospital bunsod ng COVID-19.
Comments are closed.