PUMALO na sa mahigit 1.15 milyon ang bilang ng mga nasawing pasyente ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa pinakahuling tala, umakyat na sa 1,149,229 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng COVID-19.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi ang Estados Unidos na may 229,284.Sumunod ang Brazil na may 156,528 deaths.
Nasa 117,992 naman ang death toll sa India habang 88,312 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 44,571
– Italy – 37,059
– Spain – 34,752
– France – 34,508
– Peru – 34,033
– Iran – 31,985
– Colombia – 29,802
– Argentina – 28,338
– Russia – 25,525
Lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 42,489,905 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 31,427,020 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Comments are closed.