MAHIGIT sa 5.5 milyon na ang bilang ng mga nasawing pasyente ngCOVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,502,256 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi sa impeksiyon ang Estados Unidos na may 859,046.
Sumunod ang Brazil na may 619,981 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 483,463 naman ang nasawi sa India habang 315,400 ang nasawi sa Russia.
Sumunod ang Mexico – 300,303 mga pasyente, Peru – 202,981, United Kingdom – 150,057, Indonesia – 144,127, Italy – 138,881, Iran – 131,847, Colombia – 130,288, France – 125,348, Argentina – 117,465 at Germany – 114,652.
Samantala, lumabas sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 305,992,785 ang tinamaan ng
nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 258,949,730 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa buong mundo.
Sa Pilipinas ay nasa 52,135 ang kabuuang bilang ng mga nasawi habang 2,782,723 naman ang bilang ng mga gumaling.