TUMUTULONG ngayon ang Philippine National Police sa pagmomonitor kung naipapatupad ang price freeze sa calamity areas matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, inalerto niya ang kanyang mga tauhan para tutukan ang mga aktibidad sa mga palengke upang hindi makapanamantala ang ilang mga negosyante sa pagbebenta ng mga basic at essential commodities.
Aniya, suportado ng PNP ang Department of Trade and Industry sa pag i-impose ng automatic ‘price freeze’ sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity.
Kaya naman bukod sa ginagawang post disaster relief and rehabilation operations and disaster management measures ay tumutulong din ang PNP sa pagmonitor ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin para mahuli ang mga lumalabag sa ipinatutupad na price freeze.
Batay sa RA 7582 o ang The Price act ang sinumang mahuhuling lumabag dito makukulong ng hindi baba sa isang taon at hanggang sampung taon, at magmumulta sa hindi baba sa hindi baba sa P5000 hanggang P1 milyon.
Sa ngayon nasa state of calamity ang Camarines Norte, Cebu, Bohol at Negros Occidental matapos na matinding sinalanta ng bagyong Odette. REA SARMIENTO