UMABOT na sa 2,044 ang active cases ng coronavirus disease (COVID-19) sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela area (CAMANAVA) habang nasa 1,234 na ang bilang ng mga nasawi.
Mula sa 475 noong Marso 7 ay 483 na ang namamatay dahil sa COVID-19 sa Caloocan City nitong Marso 10 at umabot na sa 15,127 ang confirmed cases at naitala ang 14,163 na gumaling at 481 na ang active cases.
Sa Navotas City, tatlo naman ang binawian ng buhay dahil sa pandemya at lumobo sa 557 ang active cases makaraang 84 ang magpositibo at 23 lamang ang gumaling nitong Marso 10.
Umabot na sa 6,507 ang tinamaan ng Covid-19 na kung saan 5,747 na ang gumaling at 203 na ang namamatay.
Dalawa namang COVID-19 patients ang patay sa Barangay Santulan at Tonsuya, Malabon City na umakyat na sa 270 ang nasawi.
Umabot sa 77 ang nadagdag na confirmed cases nitong Marso 10 at sa kabuuan ay 7,486 na ang positive cases sa Malabon, 586 dito ang active cases, 27 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at nasa 6,630 na ang recovered patients ng siyudad.
Sa Valenzuela City, isa ang naiulat na nasawi nitong Marso 10 at umakyat na sa 420 ang active cases makaraang 79 ang magpositibo at apat ang naitalang gumaling.
Umabot naman sa 10,544 ang confirmed cases at nasa 9,856 na ang gumaling at 278 ang pandemic fatalities sa Valenzuela City. VICK TANES
Having read this I thought it was really informative. I appreciate you taking
the time and energy to put this article together. I once again find myself spending
a significant amount of time both reading and posting
comments. But so what, it was still worthwhile!
whoah this blog is wonderful i really like reading your articles. Keep up the great paintings! You realize, a lot of people are hunting round for this info, you could help them greatly.
I have read so many posts about the blogger lovers however this post is really a good piece of writing, keep it up
I have read so many posts about the blogger lovers however this post is really a good piece of writing, keep it up