KINUMPIRMA ni Philippine National Police (PNP) General Hospital Chief Police Major Duds Santos na isang tauhan ng Chaplain Service sa Camp Crame ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID 19).
Sa ngayon aniya, umaayos na kondisyon ng nasabing Chaplain Service personnel na ginagamot sa St Luke’s Hospital sa Taguig matapos na maging kritikal nitong mga nakalipas na araw.
Sinabi pa ni Major Santos, walang travel history ang nasabing pulis subalit nitong mga nakaraang araw ay may bisita itong dalawang banyaga mula sa Europe.
Nabatid na pitong personnels naman ng PNP Chaplain Service na naging close contact nito ang sumailalim na sa 14-day quarantine na natapos nitong Marso 22 at ngayon ay nanatili pa rin Patients under monitoring (PUI) dahil asymptomatic ang mga ito. REA SARMIENTO
Comments are closed.