(Sa citizenship nito) PARATANG NG SENADOR ITINANGGI NI MAYOR GUO

Bamban, Tarlac – ITINANGGI ni Mayor Alice Guo sa mga alegasyon ni Senador Win Gatchalian kaugnay sa kanyang citizenship kung saan wala itong kinalaman sa mga dokumentong ipinakita galing sa Board of Investments at Bureau of Immigration.

Ayon kay Mayor Guo, ang kanyang tunay na ina ay si Amelia Leal at ang kanyang totoong pangalan ay Alice Leal Guo na nakasaad sa kanyang birth certificate at hindi Guo Hua Ping na ibinibintang ni Gatchalian.

Mayroon ding Philippine passport na in-issue ng DFA ka’t Guo upang patunayan na siya ay isang Pilipino at mga negosyo, personal properties at lupa sa Pilipinas at nagbabayad ng buwis dito.

Nanalo si Mayor Guo bilang Mayor ng Bamban, Tarlac, dahil siya ay isang lehitimong residente at walang dudang Pilipino at kung siya ay Chinese citizen, bakit pa niya kailangang kumuha ng Chinese visa tuwing bibisita siya sa China? Mahalagang tandaan na hindi kinikilala ng China ang dual citizenship.

Binigyang-diin din ni Mayor Guo na bagaman walang direktang probisyon sa batas na nagsasaad na ang isang tao ay awtomatikong mamamayan ng bansang kanyang tinitirhan, may mga mekanismo upang maiwasan ang statelessness.

Ang Konstitusyon ng Pilipinas at mga batas nito ay nagbibigay-diin sa pagkakaroon ng nationality base sa jus sanguinis at iba pang mga probisyon para sa pagkilala sa pagka-Pilipino.

Naniniwala ang alkalde na mananaig ang hustisya at ang paninindigan ng kanyang pagka-Pilipino at bukas siyaWelcome anumang proceedings sa proper forum na naghahamon ng kanyang citizenship at handa siyang harapin ito.