(Sa comfort issue) ROSANNA ROCES SA MGA LGBT: KUNG ANO ANG KARGADA MO, DOON KA!

NAGBIGAY ng opinyon ang sexy actress na si Rosanna Roces tungkol sa isyu ngreflection comfort room para sa LGBTQs sa isang panayam ng isang bagong teleserye sa ABS-CBN.

“Ang sa akin simple lang. Kung ano ang kargada mo, doon ka. Kahit ang mga tomboy hindi naman pumupunta sa CR ng lalaki. Pero bilang mga babae, kailangan din namin protektahan ‘yung hygiene rin naman namin, ‘di ba,” esplika ni Osang.

Maging ang ‘asawa’ nga raw niya na si Blessy na member din ng LGBTQ ay knows kung saan lulugar.

“Ganoon dapat, alam mo kung saan ka lulugar. Hindi ‘yung ano mo, dala-dala mo, pupunta ka sa, may hygiene rin ka­ming iniingatang mga babae. So, kung may right ang LGBTQ, may karapatan din ang ibang tao. Huwag din naman nating sagasaan ‘yun.”

Isa pa’ng isyu ang mainit na pinag-uusapan na may kaugnayan din sa LGBTQ ay ang pagsasa-batas ng SOGIE Bill sa Senado. Bilang member ng LGBTQ ang partner ni Osang na si Blessie, ina­lam namin kung ano ang take ng dating sexy star tungkol sa SOGIE bill.

“Alam mo, ayokong sagutin ang mga tanong na ‘di naman ako pamilyar, ‘di ba? Kinasal kami pero ritwal lang ‘yun. Dito lang din ‘yun. Pero ino-honor siya sa mga bansa kung saan pasado ang same-sex marriage. Kunyari, nag-abroad si Blessy, Canada, kinuha niya ako, iho-honor ‘yun.”

Kahit daw ritwal lang ang naganap na kasalan sa kanila ni Blessy, may dokumento raw ‘yun.

“May nagkakasal (sa amin). Actually, tatlo silang pari. ‘Yung sa pagsasa-batas, hindi ko kasi alam kung ano ‘yung laman ng bill na ‘yun, kung ano ‘yung gusto nilang iparating.”

Hindi naman sure ni Osang kung aware si Blessy tungkol sa SOGIE bill.

“Ako, mas una sa akin ‘yung karapatan, bilang tao, ‘di ba? Kasi ako mismo sa sarili ko pwede akong makipagrelasyon sa tomboy. Pwede rin ako sa straight. Pwede rin sa, alam mo na.”

Nilinaw namin kay Osang kung paano niya ide-describe ang kasarian niya.

“Ano’ng tawag sa akin? Ah, kung may 110, 220, ako ‘yung 350. Hahaha!”

Anyway, thankful si Osang na nakasama siya sa cast ng teleserye.

“Syempre happy ako. Although, masakit sa akin na iwan ‘yung ‘Los Bastardos.’ Pero kung ti­tingnan mo magtatapos na sila. At least ako, nakatalon na. Ang Pasko ko, sure na, ‘yung ganoon.”

Pansin naman sa sarili ni Osang ang pagbabago sa mga pananaw niya sa buhay ngayon na ibang-iba nu’ng panahon ng kanyang kasikatan.

“Kita mo, hindi na ako ano, dati hindi ko nakikita ‘yun. ‘Tsaka syempre si RSB ‘di ba? ‘Yung ginawa niya kay JM, ginawa niya sa akin. Binigyan niya kami ng pagkakataon kahit na nalulong kami sa kung ano-anong katarantaduhan. At sabi nga niya, ‘yung mga ogag na ‘yan kapag pinag-bigyan mo ‘yan, mas gagalingan nila. Totoo ‘yun. At lagi kami nagre-remind sa isa’t isa na, ‘O, ha, baka kung ano ang ginagawa mo d’yan?’ Bantayan kami.”

Binabantayan daw niya si JM. At the same time, binabantayan din siya ni JM.

“Sabi niya sa akin, ‘O, o, o. Ano ‘yan?’ Kanina nakita mo may tinira siya nu’ng nag-smoke siya. Sabi ko, ‘Ano ‘yan? Ano ‘yan?’ Bantayan na. Na make sure na wala na sa ating maliligwak. Kasi bihira na ‘yung mabigyan sa ‘yo ng chance.”

Comments are closed.