INANUNSIYO ni boxing champion Nonito Donaire Jr. na nag-negatibo siya sa confirmatory tests para sa COVID-19.
Sa kanyang social media updates nitong weekend, sinabi ni Donaire na sumailalim siya sa dalawang confirmatory tests, gayundin sa isang rapid anti-gen test para sa coronavirus, na pawang negatibo ang resulta.
“(To) be clear: Baker St Health refused me a retest for mypositive’ test,” pahayag ng four-division champion.
“I went out, paid and took 2 Molecular NAAT tests 24 hours apart and a rapid antigen: ALL results NEGATIVE. 3 tests 3 NEGATIVE results,” dagdag pa niya.
Sa mga naunang report ay kinailangan ng Pinoy boxer na umatras sa kanyang December 19 fight laban kay Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico para sa bakanteng WBC bantamweight title makaraang magpositibo sa COVID-19.
Si fellow Filipino fighter Reymart Gaballo and napaulat na papalit sa kanya sa fight na gaganapin sa US.
Umaasa ang kampo ni Donaire na maisasalba pa ng mga organizer ang laban kung saan sinabi ng boksingero na nakahanda siya sa bakbakan.
Comments are closed.