(Sa courtesy resignation) 7 PNP SENIOR OFFICERS NA PARETIRO TARGET

SA pagpapatuloy ng apela sa courtesy resignation sa target na 953 senior officers sa Philippine National Police (PNP) 24 na lamang dito ang hindi pa nakapagsusumite.

Inamin sa Monday regular meeting ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azu­rin, Jr. na dalawa sa 24 ay may ranggong heneral habang lima ang koronel na magreretiro na sa unang quarter ng taon o Enero hanggang Marso.

“Doon sa natitirang na 24 tiningnan namin, dalawa roon ay heneral at lima doon ay
police colonel na, they are retiring within the 1st quarter,” ayon kay Azurin.

Gayunpaman, binigyan diin ni Azurin na dahil mayroong pang 16 na araw na palugit o hanggang Enero 31 kaya hindi pa nakapagsusumite ng CR ang mga ito.

“Baka ang iniisip nila anyway, 31 January pa naman ang deadline. So we are hopeful they would eventually submit also their courtesy resignations,” ayon sa PNP Chief.

Sa mga nagpahiwatig naman na 3rd level offi­cers na hindi sang-ayon sa pagsusumite ng CR dahil inosente o may mga pangamba sila, pinayuhan na lamang ito ni Azurin na makabubuting mag-comply na lamang sa apela ni Interior Secretary Benhur Abalos upang ma-clear at maalis ang agam-agam sa PNP na hindi lahat ng pulis ay may mantsa gayundin maaaring maipagmalaki sa sarili na wala silang iregularidad.

“If they are innocent the more that they should come out. They should set the example. Innocent ka pala eh so you should submit yourself to an assessment and evaluation because you are confident that you are innocent,”ayon pa kay Azu­rin.

Samantala, nanindigan din si Azuin na bagaman mayroong nasaktan o nakaramdam ng low morale sa courtesy resignation appeal, may ebidensiya naman siya na hindi naman nawasak ang organisasyon at ang katotohanan na 97% ang nag-comply.

“97 percent shows that how responsive our 3rd level officers.

Ibig sabihin to them gusto na rin nila magkaroon ng closure yan kasi nga mahirap nga yung inaakusahan natin lagi yung PNP hindi ba. So these are the 929 so far very responsive na mga 3rd level officers who want their names to be cleared because they wanted to later on aakyat sila sa leadership na unblemished sila as far as yung involvement nila sa drugs is concerned,” dagdag pa ni Azurin. EUNICE CELARIO