(Sa COVID-19 patients) 4 ISOLATION FACILITIES ZERO ADMISSION NA

PATULOY na bumababa ang bilang ng COVID-19 patients sa 4 na malalaking isolation facilities sa Pasay City.

Inihayag ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), ang dalawa sa isolation facilities sa lungsod na kinabibilangan ng Padre Burgos Elementary School (PBES) at sa Pasay City Sports Complex (PCSC) ay nakapagtala ng parehong zero admission na ngayon ay mayroong 100% full bed capacity.

Samantalang, ang dalawa pang isolation facilities sa lungsod na matatagpuan sa Folk Arts Theater (FAT) ay mayroong kasalukuyang 4 na pasyente at may 43 bakanteng kama samantalang ang pinakamalaking isolation facility sa lungsod na matatagpuan naman sa Mall of Asia (MOA) ay mayroong 132 bed capacity kung saan limang kama na lamang ang okupado ng pasyente.

Base sa ipinakikitang rekord, nakamit na ng pamahalaang lungsod ang layunin na maging isa sa mga may pinakamababang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Idinagdag pa, nakapagtala rin ang lungsod ng mas maraming recoveries sa COVID-19 na mayroong 96.03 % o katumbas ng 13,3395 indibidwal sa kabuuang 13,890 kaso ng naturang virus.

Sa huling datos ng Pasay City Health Office (CHO) ay mayroong 183 aktibong kaso ng COVID-19 kung saan 25 sa bilang na ito ang bagong kaso na katumbas na lamang ng 1.32% habang 368 naman ang mga namamatay na sa virus. MARIVIC FERNANDEZ

2 thoughts on “(Sa COVID-19 patients) 4 ISOLATION FACILITIES ZERO ADMISSION NA”

Comments are closed.