(Sa COVID-19 protocols) 668 BUSINESS ESTABLISHMENTS LUMABAG

Teresita Cucueco

IBINUNYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 17 porsiyento ng mga business establishment ang hindi sumunod sa COVID-19 protocols.

Ayon sa DOLE, nasa 668 sa 3,888 na mga establisimiyento ang lumabag sa minimum public health protocols (MPHS) sa unang dalawang buwan ng 2021.

Ang mga establisimiyento na minonitor ay may kabuuang 265,752 manggagawa.

Sinabi ni DOLE Assistant Secretary Teresita Cucueco na kailangang agad na maka-comply sa MPHS ang naturang mga establisimiyento.

“There is a period of correction to comply, but if it is public minimum health standard, you have to comply ASAP,” pahayag niya.

Ayon sa DOLE, ang kalimitang violation ng mga ito ay ang kabiguang makatugon sa guideline ng  ahensiya na isama ang CO­VID-19 control plan sa kanilang occupational safety at health program.

Iginiit din ni Cuenca na kailangan ng magandang ventilation ng mga restaurant.

“It is not very difficult. We have tried to make it as simple as possible, so that there would be very good air quality in these enclosed workspaces,” dagdag pa niya. LIZA SORIANO

One thought on “(Sa COVID-19 protocols) 668 BUSINESS ESTABLISHMENTS LUMABAG”

Comments are closed.