(Sa dami ng nabakunahan sa isang araw) SARILING RECORD BINURA NG MAYNILA

MULING binura ng city government ng Manila ang sarili nitong record sa dami ng nabakunahan sa loob lamang ng isang araw.

Matatandaan na ang pinakamaraming bilang ng mga nagpabakuna sa sabayang mass inoculation ng lungsod ay naitala noong Mayo 1, kung saan 13, 205 ang kabuuang bilang ng nabakunahan sa loob ng isang araw.

Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno na noong Mayo 13, ang kabuuang bilang ng mga nagpabakuna sa mass inoculation program ng lungsod ay umabot sa 14,477 at ito ay dahil sa 14-hour operation sa 18 designated vaccination sites.

Pinasalamatan ni Moreno si Vice Mayor Honey Lacuna, sa pagiging punong abala ng nasabing programa, gayundin si Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan at ang lahat ng bumubuo ng vaccinating teams ng lungsod sa pagtatrabaho kahit pista opisyal na wala na sa oras ng kanilang trabaho para lamang makapagbakuna ng mas maraming indibiduwal.

Umabot sa 13,215 se­nior citizens ang nabigyan ng first dose ng Astra Zeneca vaccine. Kasabay nito ay 222 medical frontliners naman ang binigyan ng first dose ng Pfizer vaccine sa pagbabakunang ginawa sa Sta. Ana Hospital.

May 1,048 medical frontliners, senior citizens at indibidwal na may comorbidities na nasa edad 18 hanggang 59 ang nakatanggap ng kanilang first dose ng Astra Zeneca nitong March 16 at 18 at tumanggap na ng kanilang second dose sa Ospital ng Maynila.

“Salamat sa mga tumulong, we broke our own record. So far pinakamalaki natin noong Mayo 1 na 13,205 vaccines deployed sa loob lamang ng isang araw,” pahayag ni Moreno.

Samantala itinuloy naman nitong Biyernes, Mayo 14 ang sabayan pagtuturok ng first at second doses.

May kabuuang 1,800 medical frontliners, senior citizens at persons with comorbidities na nabigyan ng first dose ng Sinovac nitong April 15 ang naturukan ng second dose, habang sa 15 vaccination sites ay inaasahan naman na makakatanggap ng kanilang first dose ng Astra Zeneca ang may kabuuang bilang na 13,500 na indibwal na kabilang sa parehong kategorya.

Inaasahan namang may 1,600 medical frontliners ang nakatakdang tumanggap ng kanilang first dose ng Pfizer. VERLIN RUIZ

5 thoughts on “(Sa dami ng nabakunahan sa isang araw) SARILING RECORD BINURA NG MAYNILA”

  1. 179623 405183This style is steller! You definitely know how to maintain a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (effectively, almostHaHa!) Great job. I genuinely enjoyed what you had to say, and a lot more than that, how you presented it. Too cool! 345178

  2. 841123 431465Every e-mail you send need to have your signature with the link to your internet web site or weblog. That normally brings in some visitors. 258658

Comments are closed.