IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na pinaghahandaan na nila ang pagdagsa ng mga pasahero para sa darating na holiday kabilang ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections at Undas.
Sa pahayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, isang napakahabang weekend ang Oktubre 28 hanggang Nobyembre 5 dahil gaganapin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Lunes, Oktubre 30 habang ang All Saints’ Day at All Souls’ Day ay sa Nobyembre 1 at 2 na natapat sa araw ng Miyerkules at Huwebes.
Ang Oktubre 30 ay idineklara bilang isang espesyal na araw na walang pasok sa ilalim ng Proclamation no. 359. Ang Nobyembre 1 at 2 ay mga espesyal ding araw na walang pasok.
Sinabi pa ni Commissioner Tansingco na hindi rin papayagang umalis ang mga empleyado ng BI mula Nobyembre 15, 2023 hanggang Enero 15, 2024 sa panahon ng Pasko.
Bagay na taunang ginagawa ng ahensiya dahil inaasahan ngayong huling quarter ay umaasa na nasa 4 million arrivals sa mga paliparan ng bansa.
EVELYN GARCIA