(Sa datos ng DSWD) HIGIT 300K KATAO APEKTADO NG EL NIÑO

NAKAPAGTALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng higit sa 65,681 na pamilya o katumbas ng 323,088 na indibidwal na apektado ng El Niño sa bansa.

Ayon sa DSWD, mula ito sa higit 160 brgys sa Region 3, MIMAROPA, Region 6 at Zamboanga Peninsula.

Wala namang pamilya ang kinailangang ilikas dahil sa epekto ng El Niño.

Nagsimula na ring magpaabot ang DSWD ng paunang tulong sa mga rehiyong apektado ng tagtuyot.

Sa kasalukuyan, aabot na sa P1.2-M halaga ng humanitarian assistance ang naihatid nito.

Nananatili ring available ang higit dalawang bilyong pondo ng ahensya para umagapay sakaling madagdagan ang apektado ng El Niño Phenomenon. P ANTOLIN