(Sa digital payments) BAWAS KORUPSIYON SA GOBYERNO

MAKATUTULONG ang paggamit ng digital payments sa mga transaksiyon sa gobyerno para mabawasan ang korupsiyon.

Ito ang binigyang-diin ng  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kasunod ng kautusan ni Presidente Rodrigo Duterte, sa kanyang Executive Order No. 170, sa pagpapatupad ng digital payments para sa government disbursements at collections.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, pabibilisin din nito ang  mga transaksiyon at makalilikom ng dagdag na kita.

“Digital collection of payments will expedite transactions, generate savings for the government and the public, and reduce the risk of graft and corruption,” sabi ni Diokno.

Ang mga ahensiya ng pamahalaan ay inaatasang mag-alok ng digital payment options, digital disbursements at collections.

Gayunman ay tinitiyak nito na maaari pang makapag-transact sa cash ang publiko.

“EO 170 provides robust support to BSP’s efforts in promoting payments digitalization and financial inclusion under the Digital Payments Transformation Roadmap (DPTR) and the National Strategy for Financial Inclusion (NSFI),”  ani Diokno.