(Sa diver na nawala sa Tubbataha Reef sa Palawan) NAVY AT AIR FORCE TUMULONG SA SEARCH AND RESCUE

search and rescue

PUSPUSAN ang ginagawa ngayong search and rescue operations sa nawawalang diver sa Tubbataha Reef sa Palawan.

Kaugnay sa pina­igting na search and rescue katuwang na rin ng Philippine Coast Guard sa paghahanap sa nawawalang diver na si Bryan Nazareno ang mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Air Force.

Nabatid na ipina­gamit na rin ng gobernador ng Palawan sa ginagawang  aerial search ng PCG sa karagatan ng Palawan ang kanyang  private plane bukod pa sa effort na ginagawa ng PAF.

Lunes nang mawala si Nazareno pero Martes lamang ito nai-report sa mga awtoridad.

Kasama si Nazareno sa grupo ng tanyag na scuba diver at underwater photographer na si Gutsy Tuason.

Umapela na rin nga­yon ang PCG sa mga ma­ngingisda na pumapalaot na tumulong sa pag-hahanap sa nawawalang diver. VERLIN RUIZ

Comments are closed.