(Sa DMW job fair) DISPLACED OFWs HIRED ON THE SPOT

OWWA

MARAMING local employers ang nag-hire sa displaced overseas Filipino workers (OFWs) on the spot sa isang job fair na inorganisa ng Department of Migrant Workers (DMW) noong Linggo, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

“Marami tayong local partners na nag-hire on the spot. It’s because ‘yung job fair po is for displaced na OFWs natin na nais po na dito na mag-trabaho kaya mas marami tayong local na employers at the time,” wika ni OWWA Deputy Administrator Honey Quiño sa isang televised public briefing.

Aniya, naging matagumpay ang job fair kung saan maraming displaced OFWs ang na-hire on the spot.

Inorganisa ng DMW ang job fair na nag-alok ng 17,000 trabaho sa OFWs.

Ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, may 70 overseas at 50 local recruitment agencies ang lumahok sa job fair.

Karamihan, aniya, sa 2,639 applicants ay kinonsiderang qualified para sa trabaho.