(Sa DOLE anniversary job fair kickoff) 806 APLIKANTE HIRED-ON-THE-SPOT

MAY kabuuang 806 job seekers ang hired-on-the-spot sa unang tatlong araw ng 90th founding anniversary job fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kabilang sila sa 6,138 aplikante na nagtungo sa 14 job fair sites sa National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, at Caraga noong December 1, 2, at 4.

Binigyang-diin ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma ang mahalagang papel na ginagampanan ng  local government units at kani-kanilang  Public Employment Service Offices sa pagsasaayos ng employment sa the local level sa kanyang pagdalo sa opening ceremony ng DOLE Anniversary Job Fair sa  Manila Science High School noong December 1.

Isa sa mga agad na nakakuha ng trabaho si 27-year-old Jomel Domingo, na na-hire bilang branch personnel sa isang cargo forwarding company.

“Very convenient po itong job fair para sa aming mga aplikante. Convenient iyong lugar at mabilis ang proseso ng pag-a-apply,” sabi ni Domingo, na ibinahagi na  ito ang unang pagkakataon na lumahok siya sa isang job fair makaraang makita ang announcement sa social media.

Samantala, 440 aplikante ang ni-refer sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa skills training, 290 ang ni-refer sa Bureau of Workers with Special Concerns para sa livelihood assistance, at 167 sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa entrepreneurship development.

May kabuuang 2,056 job seekers ang nag-avail din ng government services na inalok ng National Bureau of Investigation, Social Security System, Professional Regulation Commission, Philippine Health Insurance Corporation, Philippine Statistics Authority, at Pag-IBIG Fund.    Inimbitahan din ng  labor department ang mga job seeker sa buong bansa na bumisita sa iba pang job fair sites ng DOLE:

National Capital Region – Malabon Sports Complex, Malabon City (December 6); Vista Mall, Taguig City (December 6); Barangay Hall, Barangay Poblacion, Pateros (December 7); Barangay Sta. Ana, Pateros (December 7); Ilocos Region – Pangasinan Provincial Capitol, Lingayen (December 7); Western Visayas – SM City Iloilo, Iloilo City (December 7); Central Visayas – Poblacion, Madridejos, Cebu (December 6); SM Seaside, Cebu City (December 8); SOCCSKSARGEN – Notre Dame of Marbel University (December 14).

Bilang pagdiriwang sa kanilang founding anniversary, ang DOLE ay nagkasa ng serye ng nationwide job fairs sa December 1-14 kung saan 41,593 trabaho ang iaalok ng 499 employers.

LIZA SORIANO