(Sa drug war probe) DILG CHIEF WALANG SASANTUHIN SA PNP

INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na walang sasantuhin sa imbestigasyon sa tungkulin umano ng mga naging hepe ng Phi­lippine National Police (PNP) sa drug war sa  ilalim ng administras­yong Duterte.

“There are no sacred cows in this institution and in this investigation,” sinabi ni Remulla.

“Anyone who is guilty, anyone who is found guilty, anyone will be treated like any other person… they will be accorded no special treatment. They will be accorded no special privileges. Everyone will face the full consequence of the law and the full po­wers of the PNP and the institutions of the DILG,” dagdag pa ni Remulla.

Ayon pa Kay Remulla, aaksyunan ng DILG at PNP ang mga isyung kaugnay nito sa oras na matapos na ang congressional hearing kaugnay sa extrajudicial killings (EJK).

Samantala, sinabi ni PNP chief Police General Rommel Marbil na hiningan na nila ng pahayag ang mga dating PNP chief upang makapagsimula na ng imbestigasyon.

“Mayroon na po ka­ming committee na to really investigate on allegations being made by Colonel Garma regarding EJK and other matters,” ani Marbil.

Dahil sa mga testimonyang ito, posibleng buksan ang ilan sa mga cold cases.

“I think we have to wait till the full reve­lations are announced. I think pretty soon there will be corroborative testimonies that will abound,” ani Remulla.

“I think with the testimony, some of the cold cases will be opened. But again, let us wait till the final hearings and final re­commendations of QuadComm are done, and then subsequent actions will be taken,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Garma na hiniling umano sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng opisyal na magpapatupad ng Davao model ng war on drugs sa national scale.

EVELYN GARCIA