(Sa ECQ, MECQ areas) SUPPLY NG ISDA SAPAT

william dar

TINIYAK ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tuloy-tuloy at sapat na supply ng isda sa mga lugar na nasa ilallm ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhance Community Quarantine simula August 6 hanggang 20 sa gitna ng banta ng COVID-19 Delta variant.

Kasunod ng pagpapalabas ni Agriculture Secretary William Dar ng guidelines sa pagbiyahe at paghahatid ng food at agri-fishery commodities, inatasan ng BFAR ang mga tauhan nito na pabilisin ang pag-iisyu ng food pass at gawing mas episyente at accessible ang proseso sa fish producers at suppliers.

“BFAR will issue new ones to those without food passes through one of its technical divisions, the Fisheries Inspection and Quarantine Division. Stakeholders who wish to apply for food passes may do so through this communication line:gmail.com,” ayon sa DA.

Para sa mga may food pass o IATF IDs na nauna nang inisyu ng  DA, nakasaad sa DA guidelines na valid ang mga ito at maaari pang gamitin sa pagbiyahe ng  food at agri-fishery commodities sa mga pamilihan sa Metro Manila at iba pang lugar.

Inatasan ng BFAR ang mga tauhan nito na makipag-ugnayan sa iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para matiyak ang maayos na pagpapatupad ng food pass.

Samantala, bukod sa wet markets, ang mga residente mula sa Metro Manila at iba pang lugar ay maaari ring bumili ng sariwa at frozen fish commodities at iba pang fishery products sa KADIWA stalls ng DA.

Para sa mga nais mag-avail ng serbisyo ng DA-BFAR sa panahon ng ECQ, hinikayat ng ahensiya ang fisheries stakeholders sa Metro Manila at iba pang lugar na mag-transact online. Maaaring bisitahin ang official website at Facebook page ng ahensiya para sa karagdagang impormasyon.

56 thoughts on “(Sa ECQ, MECQ areas) SUPPLY NG ISDA SAPAT”

Comments are closed.