(Sa edad 5 hanggang 11) BAKUNAHAN SA KABATAAN INILUNSAD

SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Las Pinas nitong Sabado (Enero 29) ang pagpaparehistro ng mga kabataan at estudyante na nasa age group ng edad 5 hanggang 11.

Sa pagsisimula ng rehistrasyon ay hinimok ng pamahalaang lungsod ang mga magulang ng mga menor de edad na nakapaloob sa nasabing age group na iparehistro na ang kanilang mga anak sa programang “Bakunahan sa Kabataan” ng lungsod upan gagad na maprotektahan ang mga ito sa COVID-19.

Maaaring bisitahin ng mga magulang o tagapagbantay ng mga batang kabilang sa nabanggit na age group ang website ng lungsod na https://bit.ly/e-covid19reg.

Ang nabanggit na link para sa rehistrasyon ng pagbabakuna ng mga menor de edad ay sagutin lamang ng mga magulang ang mga katanungan ng maayos.

Kapag nakatanggap na ang mga magulang ng kumpirmasyon, makatatanggap sila ng mensahe sa text kung saan nakasaad ang iskedyul ng baksinasyon at saang vaccination site sila magtutungo para sa pagsasagawa ng pagbabakuna sa kanilang mga anak. MARIVIC FERNANDEZ