MAHIRAP kalimutan ang isang Eddie Ilarde.
Ito ang naging pahayag ng ilang elderly women sa pagpanaw ng dating senador at beteranong TV at Radio broadcaster na si Edgar Ilarde, sa edad 85.
Pumanaw bunsod ng umano’y katandaan o natural dealh ang dating senador at assemblyman sa kaniyang bahay sa Makati City noong alas-11:40 ng umaga nitong Martes, Agosto 4.
Sumikat si Kuya Eddie sa TV show na “Student Canteen” mula 1950 hanggang 1990 gayundin sa mga radio program gaya ng “Kahapon Lamang”, “Dear Kuya Eddie” at “Napakasakit, Kuya Eddie” noong dekada ’80 mula sa kanta ng inawit ni Roel Cortez.
Naging councilor ng Pasay City mula 1963 hanggang 1965 at naging assemblyman sa Interim Batasang Pambansa.
Mula 1970-73 ay na-ging senador sa Seventh Congress. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.